Celebrity Life

LOOK: Bakit malaki ang pasasalamat ni Melissa Gohing sa boyfriend niyang si Rocco Nacino?

By Felix Ilaya

Tinanghal na kampeon ang koponan na Creamline Cool Smashers sa katatapos lang na Premier Volleyball League 2018 (PVL). Ito ang unang panalo ng team sa PVL.

Isa sa mga miyembro ng Creamline Cool Smashers ay ang girlfriend ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing. Over on Instagram, nagpaabot ng thank you message ang volleyball player para kay Rocco.

 

"Appreciation post to my supportive man, #1 cheerer & personal PT/ Nurse & who tries his best not to miss any of my games."

Siya namang binati ng Kapuso actor si Melissa para sa kanilang pagkaka-panalo.

 

Kamakailan ay naisapubliko nina Rocco at Melissa ang kanilang relasyon. Tingnan ang kanilang sweetest photos dito.