Celebrity Life

LOOK: Netizens, bakit gusto masiraan ng kotse matapos makita ang IG post ni Benjamin Alves

By Aedrianne Acar

Maraming Kapuso viewers ang tutok sa hit morning drama na Kapag Nahati Ang Puso na pinagbibidahan ng ilan sa mga talented stars ng GMA-7 tulad na lang nina Bea Binene, Benjamin Alves, Sunshine Cruz, Zoren Legaspi, David Licauco at Bing Loyzaga.

IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Benjamin Alves

Inaabangan na din ng mga Kapuso ang ilan sa mga hot scenes ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves na gaganap bilang Joaquin sa soap.

May pasilip pa ang Kapuso actor sa isang eksena na kinunan nila sa Pampanga kung saan nagpakita siya ng abs.

 

Bumaha naman ng comments mula sa netizens na pinuri ang pagiging fit ni Ben.

 

 

Ilan din sa mga celebrities ang nag-react sa sexy photo ng versatile actor.

 

 

Tutukan ang Kapuso soap na gumagawa ng ingay tuwing umaga ang Kapag Nahati Ang Puso bago ang longest-running noontime show na Eat Bulaga!