Celebrity Life

WATCH: 'No makeup' makeup look ni Barbie Forteza

By Bea Rodriguez

Nais n'yo bang ma-achieve ang “no makeup” makeup look ni Inday Happylou sa top-rating GMA Telebabad soap na Inday Will Always Love You?

Itinampok ni Kapuso leading lady Barbie Forteza sa Unang Hirit ang kanyang every day taping look bilang ang kanyang bibong karakter sa serye.

Bukod sa report, dalawang YouTube videos na na naglalaman ng makeup tutorials ang kanyang in-upload sa Internet.

“Kaka-start ko lang po ng aking YouTube channel two months ago, and sobrang happy ako dahil positive 'yung feedback sa akin. Naisipan kong gumawa ng YouTube channel kasi mahilig din ako manood ng makeup tutorials. Sabi ko, bakit parang ang dali-dali para sa kanila gawin? Kaya ko rin kaya? Sabi ko, ipu-push ko 'to so na-achieve ko siya,” kuwento niya sa morning chikahan.

Marami pang mga makeup videos ang gagawin ng multi-talented actress kaya tutok lang mga Kapuso!

Video courtesy of GMA News