Celebrity Life

#KalmaLang: Jessy Mendiola sinabing walang dapat ipag-alala sa kanyang pagpayat

By Aedrianne Acar

Mas confident at sexy ang aktres na si Jessy Mendiola lalo na at na-achieve niya ang kaniyang body goals.

READ: Jessy Mendiola, a proud "pata girl"

Madalas punahin kasi online noon ang girlfriend ng TV host na si Luis Manzano sa kaniyang extra weight.

Pero 'tila may ilang netizens ang nagulat sa biglang pagpayat ng former FHM Sexiest Woman in the Philippines.

Makikita sa Instagram page ni Jessy na mas maganda daw siya noon.

Agad naman tumugon ang aktres at sinabi na mas masaya siya sa kanyang katawan ngayon.

Aniya, “Mas masaya naman ako ngayon. Ok na 'yun. Quits lang. Kalma ka.”