Celebrity Life

WATCH: Kris Bernal, bakit nagpatayo ng unli-Korean barbecue grill?

By Bea Rodriguez

Itinampok kaninang umaga sa Unang Hirit ang bagong business venture ni Kapuso star Kris Bernal, ang unlimited Korean barbecue grill na House of Gogi.

Pinagsasabay ngayon ng 29-year-old actress ang showbiz at ang pagiging isang entrepreneur simula nang magbenta siya ng burgers sa Meat Kris.

Ngayon naman ay hands-on si Kris sa kanyang kakabukas lang na restaurant sa Quezon City, “Ang dream ko talaga [is] I [want to] put up a full-blown restaurant. For burgers kasi, hindi siya magwo-work if gawin ko siyang malaking restaurant. Sabi ko, kailangan ko ng mas patok so nag-come up ako ng unli-Korean barbecue grill.”

Ang aktres daw mismo ang nag-design at bumili ng mga kagamitan para sa kanyang dream restaurant. “Start small,” ika niya.

Matatagpuan ang House of Gogi sa 55 Dapitan Street, Santa Mesa Heights, Banawe, Quezon City. Tara, mag-unli Korean grill tayo, mga Kapuso!