Celebrity Life

WATCH: Julia Clarete's 'Kapag Nanay Ka...' videos will make you cry laughing

By Rowena Alcaraz

Malayo man sa Pilipinas ang dating aktres na si Julia Clarete, updated naman ang kanyang mga tagahanga sa halos araw-araw na galaw ng dating 'Eat Bulaga' dabarkad sa pamamagitan ng social media.

Dito, nagbabahagi si Julia ng kanyang mga pinagkakaabalahan sa pribadong buhay nito sa Malaysia kapiling ang asawang si Gareth McGeown at anak na si Sebastian Uy na mas kilala sa pet name nitong Beans.

Recently, may mga video posts si Julia na talaga namang kinaaaliwan ng mga netizens, ito ay ang 'Kapag Nanay Ka...' Sa ngayon ay may apat na videos na na makikita sa kanyang Instagram account kung saan pinapakita ni Julia ang mga bagay na pinagdadaanan ng mga nanay na katulad niya pero sa nakakatawang paraan.

Silipin ang kanyang mga 'Kapag Nanay Ka....' videos dito.