Celebrity Life

Daniel Matsunaga, sangkot sa traffic accident

Sugatan ang isang lalaki matapos itong masagi ng sasakyan ng aktor na si Daniel Matsunaga. Naganap ang aksidente noong Sabado ng umaga, August 18, sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa balita, malakas kasi ang tugtog sa loob ng sasakyan ni Daniel kung kaya't hindi nito napansin na mayroon itong nasagaing motorista. Kinailangan pa itong habulin ng mga traffic enforcers.

Panoorin ang ulat ni Mariz Umali para sa Balitanghali.


Samantala, sa Instagram Stories ni Daniel, humingi naman ito ng dasal mula sa kanyang mga followers.