Celebrity Life

LOOK: Kyline Alcantara, may payo sa kaniyang mga sunflowers patungkol sa pagiging marespeto

By Aedrianne Acar

Nag-iwan ng mensahe ang fast-rising Kapuso star na si Kyline Alcantara para sa mga loyal supporters niya na tinatawag niyang 'sunflowers.'

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara reveals her guest performers in upcoming concert

Sa Instagram post ng actress/singer, pinayuhan niya ang kaniyang mga fans na manatili na magalang at marespeto sa kanilang kapwa. Umani na ng mahigit 24,000 likes ang Instagram post na ito ni Kyline.

“Set an example. Treat everyone with kindness and respect, even those who are rude to you.”

“MY SUNFLOWERS knows the word “respect” ️”


Samantala, marami ng Kapuso ang nag-aabang sa upcoming concert ng dalaga na 'Kyline Take Flight' na gaganapin sa SM Sky Dome sa darating na September 8.