Celebrity Life

WATCH: Baby Tali gustong-gusto makipaglaro kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach

By Rowena Alcaraz

Iba talaga ang karisma ng dabarkad baby na si Baby Tali, anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, dahil pati si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach aliw na aliw na nakipaglaro dito!

Sa Instagram Story ni Pauleen, ibinahagi nito ang naging pagkikita ng anak na si Baby Tali at ng matalik na kaibigan na si Pia.

Sa video, kitang kita ang pagkagiliw ni Pia sa anak ng kaibigan matapos halikan at kili-kilitiin ang kili-kili nito.

Si Baby Tali na naman ay tuwang tuwa din nakipaglaro kay Pia.

Panoorin ang buong video dito: