Celebrity Life

READ: Sunshine Cruz may pasaring kay Cesar Montano?

By Jansen Ramos

Muling idinaan ni Sunshine Cruz sa social media ang pagbabahagi ng kanyang sentimyento.

Kahapon, September 5, ipinost ng 41-year-old actress sa Instagram ang mga salitang tila patama sa pagiging ama ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano sa kanilang mga anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.

Matatandaang naging isyu rin ang madalang na pagbisita ng aktor sa kanyang mga anak matapos silang maghiwalay ni Sunshine noong 2013.

#MoveOn: Sunshine Cruz reminds netizen that she and estranged husband Cesar Montano have been separated for five years

Sinagot naman ng aktres ang ilang katanungan ng netizens sa kanyang post.

Ipinahayag niya na on-going ang kaso laban sa kanyang estranged husband ngunit hindi ito nag-co-comply sa order na ibinagay ng korte. Dahil dito, pursigido siyang mag-file ng motion for child support.

Ipinaliwanag din ni Sunshine kung bakit siya umalma sa social media para sa mga usaping pang-personal.