Celebrity Life

LOOK: Mikee Quintos does schoolwork at work

By Jansen Ramos

Hindi alintana ni Mikee Quintos ang kanyang busy schedule para makapagtapos ng kolehiyo.

WATCH: Mikee Quintos, pinagsasabay ang pag-aartista at pag-aaral upang maging architect

Kahit na regular ang pag-te-taping ng Kapuso actress para sa primetime series na Onanay ay top priority pa rin niya ang pag-aaral. Sa katunayan, fourth year BS Architecture student na siya sa University of Santo Tomas sa Maynila.


Sa kanyang Instagram Story ngayong araw, September 17, makikita kung paano niya pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aaral.



Nakukuha pa rin ni Mikee na maisingit ang kanyang schoolwork kapag wala siyang eksena.

Aniya sa isang ekslusibong panayam, wala naman daw mahirap gawin lalo na kapag gusto mo ang iyong ginagawa. "If you like what you do naman, you're gonna find energy to do it."

"Minsan dumudugo 'yung ilong ko sa class pero kaya naman." biro pa niya.

Pero aminado si Mikee na may panahong nakatulog siya sa klase dahil sa pagod.

Kuwento ng dalaga, "Natulog ako, super antok ko tapos it was a quiz. Pagkatapos ko kopyahin lahat ng questions, hindi ako makaisip kasi sobrang antok ko so natulog muna ko."

"Tapos nakahiga pa ko sa floor, tapos maya-maya ginising ako ng kaklase ko kasi humihilik na daw ako." sabi niya.