Celebrity Life

WATCH: Kapuso stars reveal investments from showbiz earnings

By Aaron Brennt Eusebio

Inamin ng mga Kapuso stars na mayroon na silang naipundar sa matagal nilang pananatili sa showbiz.

Ang Pambansang Bae na si Alden Richards ay nakapagpundar na ng bahay at ilang mga business.

Samantala, ang kanyang Victor Magtanggol co-star na si Pancho Magno ay nakabili na ng lote sa Tagaytay.

Si Solenn Heussaf naman ay nakalipat na sa bago nilang bahay ng asawa niyang si Nico Bolzico.

Dagdag pa niya, hindi siya mahilig sa mga mamahaling bagay at ang gusto niya ay laging mag-travel.

Natuto na rin naman ang direktor at actor na si Mike Magat na magtipid kaya naman ay nakabili siya ng lote at ilang sasakyan.

Tingnan ang buong detalye rito: