Celebrity Life

Celebs kinilig sa birthday surprise ni Paolo Ballesteros mula sa kaniyang 'special someone'

By Aedrianne Acar

Ipinagdiriwang pareho ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros at kaniyang anak na si Keira Claire ang kanilang kaarawan ngayong Huwebes, November 29.

#Gondoh: Paolo Ballesteros' daughter, Keira Claire is a beauty queen in the making!

Sa Instagram post ng multi-awarded actor, nagpaabot siya ng simpleng mensahe para sa kaniyang unica hija na nagse-celebrate ng kaniyang 10th birthday.

Ani Paolo, “happy birthday satin anak! i love you”


Ilang celebrities din ang bumati sa anak ni Paolo tulad nina Direk Jun Robles Lana, Sexbomb girl Aira Bermudez at comedienne na si Tuesday Vargas.

Nakatawag pansin naman sa mga netizen ang nakakakilig na birthday present na natanggap ni Paolo sa 'special someone' niya na si Kenneth Gabriel Concepcion.

Makikita sa post ng noontime host na binigyan siya ng bouquet of flowers ni Kenneth bilang advance birthday present.


Sa Instagram naman ni Kenneth, ipinasilip niya ang dinner date niya kasama ang King of Makeup Transformation.


Sunod-sunod naman ang inabot na tukso ni Paolo sa sweet social media post niya mula sa mga kaibigan at katrabaho.