Celebrity Life

Catriona Gray very hands-on in her preparations for Miss Universe

By Nherz Almo

Marami ang nagulat nang biglang naglabas si Catriona Gray ng introduction video na kuha mula sa Thailand matapos i-announce na sa capital city nitong Bangkok gaganapin ang 2018 Miss Universe.

Pinaghandaan o nagkataaon lang?

Ito ang tanong ng GMAnetwork.com sa pambato ng Pilipinas sa isang panayam kamakailan.

Natatawang sagot ng 24-year-old Pinay beauty queen, “I didn't know that it would be in Thailand, just like everyone else.

“It just so happened that I have two friends in the trip, one has a blog and the other one is a videographer.

“We were shooting footage for her blog. It just so happen na mayroon akong footage and I was like, 'Oh my God, it sounds like it's gonna be in Thailand pala.'

“At that time, narinig ko na parang it's in Macau or China.

“So when it was confirmed, I was like, 'Oh my God, let's post.'

“Akala nilang lahat na that I knew, but I didn't.”

Nasa huling bahagi na ng preparasyon si Catriona nang makausap siya ng GMAnetwork.com.

“The bulk of my preparation is done kasi I've been preparing for months na,” sabi ni Catriona, na dati na ring nakaronohan bilang Miss World Philippines noong 2016.

“Super hands-on ako, as in everything kasi independent candidate din ako, wala akong camp, I just have a team.

“Gusto ko sana before I leave, I just get to relax and pamper myself, ganun.

“This is the last few days and I'm really pushing to finish everything.

“It's not necessarily fear, but mayroon akong pressure to finish everything.”

Sa December 17 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe.

Samantala, handang-handa na ang hitsura ni Catriona nang dumating siya sa Bangkok, Thailand, kanina, November 29.

Mainit din ang naging pagtanggap sa kaniya ng fans na naghintay sa kaniya mula pa lamang sa airport ng Bangkok.

WATCH: Catriona Gray receives overwhelming welcome in Bangkok, Thailand