READ: Ice Seguerra's anniversary message for wife Liza Diño will bring you to tears
As Ice Seguerra and Liza Diño celebrate their 4th wedding anniversary, Ice writes a heartfelt message for the love of his life.
On the first part of Ice's letter, he enumerated the things he learned to do for Liza such as wearing things he's not used to.
He wrote: "Dahil sa iyo, natuto akong mag pantalon at saka mag balat na sapatos, mag suot ng coat, long sleeves, neck tie at bow tie. Dahil sa iyo natuto akong maka appreciate ng fine dining, at kumain ng maanghang. Dahil sa iyo, mas naging mabait ako, mas nabawasan ang pagiging pang asar. Dahil sa iyo, napipilitan akong tumayo ng kama at lumabas ng bahay. Dahil sa iyo, mas natuto akong pumorma, mag ayos ng sarili, at magpa pogi (ang ganda mo kasi kaya dapat mag leve up ako)."
Ice also mentioned how his wife helped him love his family more and to look within himself in dealing with people around him.
"Dahil sa iyo mas minahal ko ang pamilya ko dahil kitang kita ko ang pagmamahal mo sa kanila. Dahil sa iyo, natuto akong mag pasensiya. Natuto ako na makipag usap ng maayos lalo na kapag bad trip ako. Dahil sa iyo, natuto akong mag lagay ng emoji after my texts para hindi mukhang masungit. Dahil sa iyo, na realize ko na may pagka self absorbed ako at kailangan kong ayusin 'yun. Na realize ko din na may pagka insensitive ako, dahil sa iyo. Dahil sa iyo, nakita ko na marami rin pala akong dapat ayusin sa sarili ko; mga pagkakamaling dating nagawa o mga bagay na nakasanayan. Dahil sa iyo, gusto kong maging mabuting tao."
#LoveActually: 17 celebrity LGBT couples na mahal ang isa't-isa
On the third part of Ice's message, he pointed out how Liza is the reason behind his being open now about himself and the things he feels.
"Dahil sa iyo, mas naging bukas ako. Nagagawa ko nang sabihin ang mga nararamdaman ko na nasanay na akong itago. Dahil sa iyo, na realize ko 'yung worth ko bilang individual at bilang ka relasyon. Nag karoon ako ng boses at nirespeto mo 'yun. Dahil sa iyo, nawala 'yung takot ko na kapag nag aaway tayo, laging mauuwi sa hiwalayan; na pwede palang sabihin ang nararamdaman na hindi kailangan matakot na bigla ka iiwanan. Dahil sa iyo, buhay na buhay ako. At sa mga panahon na hindi ko kakampi ang buhay, makakaasa akong nandiyan ka. Dahil sa iyo, hindi na ako iiyak mag isa at lagi na akong may kasamang tumawa. Kung sino ako ngayon at bukas, ito ay dahil sa iyo."
Happy anniversary, Ice and Liza!