Celebrity Life

Aiai Delas Alas celebrates first wedding anniversary with Gerald Sibayan

By Bianca Geli

May mensahe ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa kaniyang hubby para sa kanilang first wedding anniversary.

Aiai delas Alas

Nagsulat ng mensahe si Aiai para sa asawa at ng kanyang mga dasal para sa kanilang pagsasama.

“Dec 12,2018 1 taon na tayong kasal aking darling .. salamat sa pagbibigay mo ng iyong buong sarili sa akin para makapiling ako habang buhay ... dasal ko sa ating panginoon na bigyan nya ako ng mahabang buhay para matagal pa kitang makasama kasi lamuna baka d umabot hehehe .. mahal na mahal kita aking mabait na asawa ... salamat din at nakaranas ako ng wedding anniversary @gerald_sibayan”

Sa simbahan muli ang punta nina Aiai at Gerald sa kanilang anniversary, para naman magpasalamat at magdasal.

Ani ni Aiai, “Magandang umaga ang unang schedule ng aming anniversary day .. pasasalamat kay APU at ipag dasal ang aming pamilya at kaibigan at mga poor souls in the purgatory ... ️”