Celebrity Life

EXCLUSIVE: Alden Richards, may 'bonus' sa carollers na kumakanta ng GMA songs

By Marah Ruiz

Ilang beses na ring nakiisa sa pag-awit ng GMA Christmas theme songs si Kapuso actor Alden Richards. Nagkaroon pa nga siya ng solo niyang kanta noong in 2015.

Alden Richards

Kaya naman ikanatutuwa daw niyang marining ang Christmas songs ng GMA sa mga batang nangangaroling.

"Nakakatuwa! Malaki 'yung bonus ng mga nangangaroling sa akin na bata kapag Christmas songs ng GMA 'yung kinakanta nila. Masaya ako na when we do songs like this, may recall sa mga bata. Kasi ang Pasko para sa bata eh. It's the birth of Jesus Christ kaya it's for them. It's for the kids talaga," pahayag ni Alden sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Samantala, sa labas ng Pilipinas daw magpa-Pasko si Alden kasama ang kanyang pamilya.

"Aalis kami for ten days. Napaalam ko na 'yan. We're gonna go to the US to spend time there. Lately, medyo wala akong time sa kanila because of work so babawi ako doon ngayong holidays," aniya.

Pero bago pa man lumipad patungong Amerika si Alden, nakiisa siya sa iba pang Kapuso stars sa isang espesyal na pagtatanghal para sa Pasko.

Abangan si Alden at iba pang mga Kapuso stars sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special sa December 16, 9:00 pm sa GMA!