Celebrity Life

EXCLUSIVE: Mikee Quintos, sa Florida magdiriwang ng Pasko

By Marah Ruiz

Sa ibang bansa raw magdiriwang ng Pasko si Kapuso actress Mikee Quintos.

Mikee Quintos

Bukod dito, hanggang Bagong Taon daw siyang mananatili abroad.

"I'm leaving the country actually. I'm going to Florida to visit my cousin. Doon muna ako until new year," bahagi niya sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.

Hindi man siya sa Pilipinas magpa-Pasko, dama pa rin daw ni Mikee ang puso ng nito.

"I think it's the essence of togetherness, 'yung being home. For me kasi ang definition ng home is when you feel in your heart na you're safe. 'Yung puso ng Pasko is when you know na safe 'yung heart mo," aniya.

Bago pa man siya magsimula ng kanyang bakasyon, nakiisa si Mikee sa espesyal na pagtatanghal ng GMA para sa Pasko.

Abangan siya at iba pang mga Kapuso artists sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special sa December 16, 9:00 pm sa GMA!