Celebrity Life

EXCLUSIVE: Therese Malvar, gusto mag-comedy tulad ng kanyang Mama Cherry sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Looking forward din gumawa ng comedy show ang Inagaw Na Bituin star na si Therese Malvar.

Therese Malvar

EXCLUSIVE: Nanay ng multi-awarded actress na si Therese Malvar, napapanood sa 'Pepito Manaloto'

Sa mga hindi nakakaalam, ina ng award-winning teen actress ang comedienne na si Cherry Malvar. Gumaganap siya bilang Tere sa sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Sa one-on-one interview ni Therese sa GMA Network.com, sinabi niya na game siya sumabak sa pagpapatawa kahit mahirap. Ilan sa mga gusto niyang makatrabahong funny personalities ay sina Sef Cadayona at Drew Arellano.

Aniya, “Gustong-gusto ko mag-sitcom, mag-comedy. Kasi 'yung [Ang Huling] Cha-Cha ni Anita 'yung first film ko medyo comedy 'yun, pero hindi purposely nagiging comedy 'yung scene lang 'yung fun.”

“Gusto ko mag-comedy kahit na mahirap, masarap lang maging kalog parang totoong sarili mo.”

Proud din ikinuwento ni Therese Malvar na kahit nasa showbiz ang kaniyang ina na isa din theater actress, hindi daw ito naging 'stage mom.'

Lagi din ipinapaalala ng kaniyang Mama Cherry na palaging maging 'humble.'

“Thankfully hindi niya ako ginuide or kinorrect or finorce sa acting style ko as in unlike others.”

“Hindi siya naging todong stage mom na parang 'ganito dapat gawin mo!'”

“Her advice is to keep grounded. Remember where you came from and huwag lumaki ang ulo mo.”

Abangan ang matitinding eksena sa pagitan nila Kyline Alcantara at Therese Malvar sa drama series na Inagaw Na Bituin soon on GMA-7!