Celebrity Life

WATCH: Relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto, sinubok sa Hong Kong

By Aaron Brennt Eusebio

Sa pagiikot ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez sa Hong Kong, sinama nila ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza sa pagsakay sa Ngong Ping 360 Cable Car.

Barbie Forteza at Jak Roberto

Hindi alam ng marami na may fear of heights si Barbie kaya naman sinabi niya kay Jak na “dito talaga mate-test yung relationship natin.”

Sinisi pa ni Barbie si Jak at sinabing, “Paano, binigay mo [Jak] yung itinerary the night before, eh di wala nang atrasan diba?”

Kaya naman kahit takot ang Kara Mia actress ay sumama pa rin siya at tumuloy sa pagsakay sa Ngong Ping 360 Cable Car na may crystal na sahig kaya naman kitang-kita ang ilalim nito.

Panuorin ang reaksyon ni Barbie sa vlog ng Bida-Bida Sibs at kung nakapasa ba sa pagsubok ang relasyon nila Barbie at Jak.

Video from Sanya Lopez/ Jak Roberto's YouTube Channel