Celebrity Life

READ: Ice Seguerra and Liza Diño start journey to have a baby

By Nherz Almo

Sinimulan na ng mag-asawang sina Ice Seguerra at Liza Diño ang kanilang planong magkaanak.

Ice Seguerra and Liza Diño

Sa Facebook story ni FDCP chairperson Liza kahapon, January 24, ibinahagi niyang sumailalim na sa proseso ng “egg harvesting” para sa in vitro fertilization.

Sabi niya, “Today is THE DAY. Ice's eggs are going to be harvested after a 12-day “turok sa lubot” (butt injection) process.

“I'm here at the waiting room, and ngayon lang sya nagsisink-in sa akin.

“We are really doing it and today marks the first phase in our journey to have a baby.”

Ayon kay Liza, matagal na nilang pinangarap ito ng kaniyang asawang si Ice ngunit, “laging nade-delay or kapos kami sa funds so kahit sinasabi ko siya, parang dream lang. Parang pino-project mo lang 'yung pangarap mo.”

Mas naging pursigido raw sila, partikular na si Ice, na gawin na ang kanilang plano noong October 2018.

Ani Liza, “I'm so proud of him. Sobra. When we had our check up and we final made that [decision] na this is the right time sobrang full on commitment ang binigay nya.

“Siya lang yata ang transman na nagtetake ng estrogen (hahaha!) but he is determined, WE are both determined that we're going to try to fulfill our wish to have a new member sa family, Amara's wish to have a sibling and mommy C and Daddy Dick's wish na magkaroon ng sariling apo.”

Nabanggit din niya na hindi madaling proseso ang pinagdadaanan nila ng kaniyang asawa.

Kuwento niya, “Ice has been very diligent sa pag-take ng pills nya. And ito ngang 12-day process na gawing pantay-pantay ang laki ng mga eggs nya sobrang naging patient and optimistic sya.

“It wasn't easy actually.

“For the first 4 days, Ice's eggs are not growing and his left ovary is not producing enough eggs so natakot kami ng slight kasi baka hindi enough yung maharvest and for a time ako yung natatakot na baka hindi mag-respond yung body nya sa meds.

“But ito na nga, finally, nag-start mag grow ng eggs nung mga 6th until we got to this day.

“Sobrang salamat talaga Lord kasi naniniwala kami na if it's meant to be, mangyayari at mangyayari.”

Sa huli, humiling si Liza ng panalangin para sa kanila ni Ice habang sumasailalim sa proseso ng pagkakaroon ng anak.

Aniya, “At this very moment, I'm shamelessly asking for your PRAYERS and POSITIVITY para maging successful yung harvest process nya.

“Salamat sa lahat ng sumuporta sa marriage namin ni Ice at sa naniniwala na we can live our lives like normal families.

“This is a big step for us and I just hope that everyone gives their love and support.”