Celebrity Life

Ravena brothers, pumalag sa patutsada na 'nagbayad' ang kapatid nila na si Dani para makapasok sa ADMU volleyball team

By Aedrianne Acar

Bumuhos ang emosyon ng nakababatang kapatid nila Kiefer at Thirdy Ravena na si Dani, matapos makatanggap ng masasakit na akusasyon mula sa kaniyang bashers.

Kiefer at Thirdy Ravena

READ: Thirdy Ravena, nag-react matapos laitin sa Twitter nang sinabing 'lucky charm' siya ni Catriona Gray

Si Dani ay naglalaro bilang libero para sa Ateneo de Manila University Lady Eagles. Kilala naman ang kaniyang mga kuya na sina Kiefer at Thirdy bilang mga talented basketball players na mula din sa parehong kolehiyo.

Sa sunod-sunod na tweet ng nakababatang Ravena, sinagot niya ang mga masasakit na salita na binabato sa kaniya tulad na lang na nagbayad diumano ang pamilya niya para makasali lang siya sa women's volleyball team ng Ateneo.

Saad ni Dani, “All hype” “payed to get into the team” etc, really don't understand why people who clearly have no idea about what goes on in my life and in the team have so much sht to say.We all put in the work and effort. We don't pay someone to run for us during training nor ask someone to...”

May paki-usap din siya sa fans ng Ateneo na tigilan na ang walang basehan na akusasyon laban sa kaniya.

“Train for us everyday. So if ya'll think my family pays for my spot in the team then i guess u have to get ur minds checked. No time for negativity here so lets stop with all the “fans kami pero alam namin ang totoo” bullsht. The “hype” you guys call out is basically u guys makin.

“Look like being a “ravena” is the ticket to everything. Try working your ass les off instead of living your life behind your computer screens hating on people you dont know. peace n love.”

Ipinagtanggol naman si Dani ng kapatid niya na si NLEX Road Warriors star point guard Kiefer Ravena.

May payo din si Thirdy Ravena para sa little sister niya na huwag pansinin ang mga taong bumabatikos sa paglalaro niya para sa Ateneo. Itinanghal na Finals MVP si Thirdy sa 81st season ng UAAP senior men's basketball competition.