Celebrity Life

WATCH: Joyce Pring, napaiyak si Juancho Trivino sa kanyang Valentine surprise

By Cherry Sun

Nagulat si Joyce Pring nang mapaiyak niya ang kanyang manliligaw at Unang Hirit co-host na si Juancho Trivino.

Joyce Pring & Juancho Trivino

Hindi niya kasi inaasahang magiging ganito ang reaction ng aktor sa ginawa niyang sorpresa para sa darating na Valentine's Day.

Hindi raw alam ni Joyce kung bakit iyak nang iyak si Juancho.

Kuwento niya, “Everyday may surprises sakin si Juancho. Minsan small surprises na dadalhan nya ako ng food, or magpapa deliver sya ng coffee sa trabaho ko, or kahit simpleng tatawag lang just to check up on me and how my day is going. Minsan meron syang grand gestures (mejo naloloka na ako as many of you know) pero syempre kinikilig ako because I really appreciate all his efforts.”

IN PHOTOS: #JuanChoyce: Juancho Trivino and Joyce Pring "love" story

Naisip daw ni Joyce na siya naman ang sumorpresa kay Juancho.

Aniya, “Sabi ko birthday ni @charismalico so we'll be with my friends the whole day and pagbalik ko nalang kami next week may bonding. Pero nung pag sundo nya sakin may setup na ako and I also arranged for us to have dinner. I also made a video of the first few weeks we spent together and played it for him. He cried even more.

“Sobrang simple lang cos first time ko din mag effort like this for Vday hahahaha but I hope I made him happy. Hindi ko sure kasi umiyak lang sya for mga 2 hours. Hahahahaha happy heart's day @juanchotrivino,” patuloy ni Joyce.

Ibinahagi rin niya ang video ng Juanchoyce moments na nagpapakita kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Panoorin: