Celebrity Life

WATCH: Jak Roberto's grand surprise for Barbie Forteza on Valentine's Day

By Aaron Brennt Eusebio

Fully booked ang schedule nina Jak Roberto at Barbie Forteza kahapon, February 14, pero nakagawa pa rin ng paraan si Jak para masupresa ang girlfriend na si Barbie.

Barbie Forteza and Jak Roberto

Nagkaroon ang Kara Mia ng exclusive pilot preview kahapon, February 14, na dinaluhan ng mga pangunahing aktor nito na sina Jak, Barbie, Mika Dela Cruz, at Paul Salas.

Pagkatapos ay agad na pumunta si Barbie sa GMA Network Center para maging guest host ng “Chika Minute” sa 24 Oras.

"Hmpppp akala mo wala tayong date ngayong Valentine's day no?" sulat ni Jak sa Instagram na sinamahan niya ng kanilang mga litrato.

Dagdag pa niya, "Happy Valentine's day Gorgeous!"


Maiksi pero nakakakilig na caption naman ang sinulat ni Barbie sa kanyang Instagram post.

"Just when you think Vday is over...," sabi ni Barbie.


Panoorin ang reaksiyon ni Barbie sa inihandang Valentine's Day surprise ni Jak para sa kaniya rito:


Happy Valentine's Day, Jak and Barbie!