Celebrity Life

Barbie Forteza on Joyce Ching's engagement: 'Yun naman na yung next step for her.'

By Aaron Brennt Eusebio

Inamin ni Kara Mia star Barbie Forteza na nagulat siyang engaged na ngayon ang kaniyang Tween Hearts co-star na si Joyce Ching.

Barbie Forteza

LOOK: Joyce Ching is engaged!

WATCH: Joyce Ching, ikinuwento kung paano nag-propose si Kevin Alimon

Nang makausap ng GMANetwork.com si Barbie sa set ng Kara Mia, kinuwento ni Barbie na 'tween' pa rin ang tingin niya sa kanyang co-stars.

"Nagulat lang talaga ako kasi parang hanggang ngayon Tween Hearts pa rin yung tingin ko sa mga kasama ko, 'tapos biglang engaged na sila," kuwento ni Barbie.

"Feeling ko na-achieve na niya yung lahat ng gusto niyang ma-achieve.

"Tapos na siya sa pag-aaral niya, wala na siyang iniintindi.

"Napatunayan na niya yung gusto niyang patunayan sa showbiz. Joyce Ching is Joyce Ching.

"I think yun naman na talaga yung next step for her, so I'm very happy for her."

IN PHOTOS: Engaged celebrities under 30

Mapapanuod si Barbie bilang Kara sa Kara Mia, kasama sina Mika Dela Cruz, Jak Roberto at Paul Salas.

Mapapanuod bukas ang first two weeks ng Kara Mia bago ang Sunday PinaSaya

First two weeks ng 'Kara Mia,' muling mapapanood bukas!