Celebrity Life

READ: Dingdong Dantes confirms Marian Rivera is going to give birth soon

By Nherz Almo

Iniiwasan na raw ngayon ni Dingdong Dantes ang lumayo sa Metro Manila dahil sa nalalapit na panganganak ng kaniyang asawang si Marian Rivera.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

“In a few weeks or almost a month. Medyo malapit-lapit na talaga.

“Kaya hindi na ako puwedeng lumayu-layo sa Metro Manila,” sabi ni Kapuso Primetime King Dingdong nang kumustahin ang pagbubuntis ni Marian sa ikalawang anak nila.

Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Dingdong matapos siyang ipakilala bilang unang celebrity endorser ng Persian Avenue kahapon, March 8.

May pangalan na bang napili ang mag-asawa para sa kanilang baby boy?

Ayon kay Dingdong, may dalawa pangalan na silang pinagpipilian ni Marian.

“May pinagpipilian pa po last minute. Siguro kapag lumabas na,” sabi ng aktor.

Aminado na aktor na katulad nang kay Zia, nakararamdam din siya ng nerbiyos sa pagdating ng kanilang baby boy.

Ani Dingdong, “Bagong daddy ako sa isa [Zia]. Bagong daddy ako sa pangalawa. Everything is new.”

Bilang paghahanda, pinananatili raw ni Dingdong ang maayos na kalusugan.

Aniya, “Siguro ang pinakamahalaga yung kalusugan kasi gusto ko sila makasama nang matagal.”

#OhBabyDantes: Marian Rivera's baby shower with family and friends

Samantala, nabanggit din ni Dingdong na gabi-gabi silang nagdadasal ng kaniyang pamilya para sa maayos na panganganak ni Marian.

Sa katunayan, isa raw ito sa mga bagay na tinatanong ngayon ng kanilang three-year-old daughter na si Zia.

Kuwento niya, “Bago matulog, mayroon kasi kaming nightly novena for Marian's pregnancy, for her safe delivery.

“So, naku-curious siya kung bakit ginagawa naming ['yon].

“Sabi ko, 'It's prayer, it's praying the rosary.' Then, kung bakit kailangang gawin 'yon, pinapaliwanag namin.

“Nandun yung curiosity niya para makinig and naiintindihan na niya kung ano ang kahalagahan ng ganung klase ng kuwento.

“Nakakatuwa na nandun siya sa stage na 'yon.

“More than knowing other things, siguro it's best to keep her grounded and malaman niya ang kaniyang religion before anything else.”

IN PHOTOS: 12 traits that make Zia Dantes a good ate