Celebrity Life

WATCH: Kai Sotto, to train in Atlanta, Georgia

By Cara Emmeline Garcia

Desidido na pumunta sa Estados Unidos ang wonderkid na si Kai Sotto para makamit ang kanyang pangarap na maglaro sa NBA.

Kai Sotto

Sa tangkad na 7-foot-2, 'di maikakaila na may talento sa paglalaro ng basketball ang star player ng Batang Gilas.

Ani ng ama ni Kai, pupunta daw muna si Kai sa Atlanta, Georgia para magpalakas ng katawan ng dalawang buwan.

“May height na siya. Andun naman yung basketball skills niya, 'yung basketball IQ niya, and 'yung instincts niya sa laro.

“Ang nakikita ko lang na kulang talaga ni Kai is yung pagpapalakas ng katawan, 'yung competition, and 'yung exposure.”

Pagkatapos magpalakas, ay babalik din ang star player sa bansa para makilahok sa FIBA Under 19 Basketball World Cup na gaganapin sa Greece ngayong Hunyo.

Ani ni Kai, na kailangan niya talagang paghandaan ang darating na kompetisyon.

“Kailangan ko talagang magpalakas dahil halata naman pag nakita niyo 'yung katawan ko.

“At pagdating ng world competition, ibang klase na ang laban, e.”

“Kasi nung nag-Under 17 World Cup kami meron akong mga nakalaban na nahirapan ako. Eh, paano kaya ngayong Under 19 na?” dagdag pa niya.

Alamin ang iba pang detalye sa ulat ni Chino Trinidad:

WATCH: Kai Sotto, leaving to pursue dream of playing for the NBA