Celebrity Life

WATCH: Ina ni Martin Del Rosario, tutol raw noon sa kaniyang pag-aartista

By Felix Ilaya

Tampok ang life story ng Kapuso actor na si Martin Del Rosario sa Tunay Na Buhay.

Martin Del Rosario


Dito kinuwento ng ina ni Martin na si Tet Del Rosario na tutol raw siya noon sa pagpasok nito sa showbiz dahil baka makasagabal raw ito sa kaniyang pag-aaral.

Ani Tet, "Sabi ko 'Sigurado ka? Eh grabe 'yung load mo sa school, you're running for honors, you're an outstanding student Paano mo gagawin?'

"Sinabi niya sa'kin 'Sige mama, pero matatanggap n'yo ba 'yung time na tanungin ko sa inyo na ano na kaya ako ngayon kung pinayagan n'yo ako mag-artista?'

"Ayon 'yung malaking tama sa'min so we struck a deal. Sabi niya sa'min 'I'll give you good grades, 'pag naapektuhan 'yung grades ko, 'pag nahirapan ako, then I'll be the one. Ako mismo ang mag-kui-quit,"

Fourteen years old si Martin nang sumabak siya sa mundo ng showbiz. Ngayon, isa na siya sa mga hinahangaang Kapuso actors dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at samu't-saring acting awards.

Panoorin ang kuwento ng buhay ni Martin Del Rosario sa Tunay Na Buhay.