Celebrity Life

Yasmien Kurdi dedicates diploma to mom; actress' daughter and husband create congratulatory video

#ItsNeverTooLate, 'yan ang hashtag ni Yasmien Kurdi sa kaniyang Instagram post matapos niyang gumradweyt na magna cum laude sa kursong Political Science sa Arellano University.

Mahirap man ang pinagdaanan ni Yasmien bilang isang working student at full time mom, kinaya pa rin ito ng Hiram Na Anak star kaya naman malaki ang pasasalamat ni Yasmien sa tatlong pinakamahalagang tao sa kaniyang buhay, ang kaniyang asawa, anak, at ina.


"Salamat sa pamilya ko, sa asawa ko na si Rey sa pagmamahal, pag-gabay, pag-iintindi at inspirasyon na binibigay mo sa aking buhay. At sa anak ko na si Ayesha Zara, gusto ko lang talaga maging magandang halimbawa sa'yo anak. Mahal na mahal kita! Laging proud si mama sa'yo. Sa aking ina, ang aking pinaka-unang guro. Salamat sa pagpapalaki at pagsasakripisyo ng maraming bagay sa buhay mo para sa akin. Para sayo ito, Ma! Mahal kita," caption ni Yasmien sa kaniyang Instagram post.

May handog namang espesyal na congratulatory video ang asawa at anak ni Yasmien na sina Rey Soldevilla at Ayesha Zara.

Panoorin ang video nina Rey at Ayesha para kay Yasmien below:

Congratulations Mama!!! We are sooo proud of you that we decided to make a special congratulatory video. We love you so much!!! #Graduation2019 #HappyGraduation q#toGodbetheglory

A post shared by Rey Soldevilla Jr (@rey_soldevilla) on