Celebrity Life

WATCH: American BF ni Kelsey Merritt naaksidente sa Siargao surf spot

By Jansen Ramos

Nagtamo ng injury ang athlete boyfriend ni Kelsey Meritt na si Conor Dwyer matapos mag-surfing sa Siargao kamakailan.

Kelsey Merritt at Conor Dwyer

Hinaing ng Fil-Am model sa kaniyang post, wala raw opsital sa Siargao kaya sa isang clinic na lamang tinahi ang sugat sa ulo ng kaniyang nobyo.

Pero sa kabila nito, malaki ang pasasalamat ni Kelsey sa mga tumulong at nag-asikaso kay Conor.

Ang lugar kung saan na-aksidente ang kasintahan ni Kelsey ay sa bayan ng General Luna sa isla ng Siargao kung saan matatagpuan ang sikat na Cloud 9 surfing spot.

Ang mga certified surfing instructors sa General Luna ay trained naman uamano sa first aid at basic life support, at required na may kaniya-kaniyang first-aid kit.

Totoong walang ospital sa General Luna pero may rural health unit at pribadong clinic.

Ayon sa dcoctor na naka-duty sa pribadong clinic, madalas talaga silang takbuhan ng mga naaksidenteng turista.

"Usually, 'yung emergency cases, like vehicular accident and including 'yung different types of injuries na pwede sa beach tulad ng surfing injury," ani Dr. Kevin Miña, general physician ng Metropolitan Doctors Medical Clinic.

Kung masyado nang malala ang kondisyon ng pasyente, dinadala nila ito Siargao District Ospital na dalawangpung minuto ang layo mula sa tourist area pero itinuturing lamang ito na infirmary hospital.

Batid daw ng Department of Tourism ang kahalagahan ng pagkakaroon ng well-equipped medical facility sa mga lugar tulad ng Siargao na taon-taon ay dumodoble ang dami ng mga dumarayong turista.

Panoorin ang buong report ni Raffy Tima sa 24 Oras: