Celebrity Life

Pauleen Luna, nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso na si Simon

By Rowena Alcaraz

Malungkot na balita ang umabot kay dabarkads Pauleen Luna na kasalukuyang nasa California kasama sina Bossing Vic Sotto at Baby Tali.

Pauleen Luna

Habang nasa bakasyon ay pumanaw ang alagang aso ni Pauleen na si Simon.

Ibinahagi ni Pauleen ang kanyang mensahe para sa alaga sa pamamagitan ng Instagram.

Aniya, "For 13 years, you gave me and my family unconditional love. You really had to pass while we're away.... I guess you knew I wouldn't be able to handle it if I was there... Thank you, Simon. You will forever be my first. I love you."


Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan ng aktres.