Celebrity Life

WATCH: Bae-by Baste's brother has an equally funny video at the zoo

By Aaron Brennt Eusebio

May kakaibang reaksyon ang nakababatang kapatid ni Bae-by Baste na si Samsam nang bumisita sila sa Davao Crocodile Park.

WATCH: How Bae-by Baste kept and lost his cool while holding a baby croc

Iniwan ng nagbabantay si Samsam habang nilalaro nito ang ahas kaya naman napasigaw ang kanilang ina.

"Yung bagong opera si mama tapos nakita niyang iniwan ni kuya ang snak sa harap ni Samsam..." sulat ni Baste sa kaniyang Instagram post.

"'Yung di siya makatakbo para kunin si Samsam at ang kaya niya lang gawin ay...SUMIGAW.

"Napasigaw din si Samsam di dahil sa snake (his fave animal) kundi dahil kay Mama She."

Hindi rin natuwa si Samsam nang ipatong sa kaniyang ulo ang isang ibon.

Sa paliwanag ni Baste, iniisip ni Samsam na ililipad siya ng mga ibon at magugulo ang kaniyang buhok.

"1. Mabitay daw sya (thinking na ilipad sya tapos may string sa neck niya..." paliwanag ni Baste sa caption.

"2. Masira daw ang buhok niya."