Celebrity Life

READ: Cherie Gil prefers mano over beso, 'Don't kiss if you don't do it naturally.'

By Nherz Almo

Dahil sa kanyang popular na statement na 'Don't call me tita,' napansin ni Cherie na tila wala nang tumatawag sa kanya.

Cherie Gil

Sa panayam sa kanya ng entertainment reporters matapos ang StarStruck media conference noong Lunes, June 10, natanong si Cherie kung ano ang tawag sa kanya ng mga contestant.

Napaisip ang award-winning actress bago sumagot na, “I don't think they call me anything.

“Parang mas safe na yatang huwag na lang nila akong tawagin.”

READ: Cherie Gil, ibinahagi ang kuwento ng linyang "Don't Call Me Tita" sa teaser ng 'StarStruck'

Isang reporter ang nagsabi na dapat ay Miss Cherie na lang ang itawag sa kanya, na sinang-ayunan naman niya.

Bagamat tila isang pagtataray ang dating sa ilan ng statement ni Cherie, nilinaw niya gusto lamang niyang gawing exclusive ang pagtawag sa kanya ng 'tita' sa kanyang mga tunay na kamag-anak.

Ani Cherie, "Para sa akin kasi, kokonti lang ang puwedeng tumawag sa akin na Tita.

“'Yung mga kilala ko... I uphold the term Tita to those who really deserve the term Tita like my nephews, nieces, and kids who I saw grow up, family friend."

Samantala, nilinaw ni Cherie na idinadaan naman niya sa biro sa tuwing may nasasabihan siyang 'don't call me tita.'

“Hindi naman lecture,” aniya.

“Parang 'Pamangkin ba kita?' I do it in a way na joking lang.

“They don't really feel offended naman.

“Madami 'yan, mga AD [assistant director], 'Tita, dito po kayo.' 'A, excuse me, kailan pa kita naging kamag-anak?'”

Bukod sa pagtawag ng tita, minsan na ring nagsalita si Cherie tungkol sa pagbeso, na nakagawian nang pagbati lalo na sa show business.

Kaya naman daw, napansin niya na, “Noong lumabas 'yon, naiilang na rin sila kasi mayroon din akong nilabas na how to kiss.

“Yung beso nila, di ba, may mga nagbebeso minsan sa noo, sa ilong.

“Di ba, huwag na lang magbeso.

“May isa pang nagbebeso, nagbebend pa dito [sabay turo sa dibidb].

“I already said it, 'Don't kiss if you don't do it naturally.'”

Dahil dito, naalala ni Cherie ang ikinatutuwa niyang makita sa set, ang pagmamano.

“Sad na nawala yun mano,” sabi niya.

“Yung mga anak ng mga cameramen, kapag pumupunta sa set, diretso sila sa isa't isang cameraman at nagmamano. Magandang tingnan.

“Okay lang 'yan, ha, better than kissing me with their nose or their hair or half your ear.”

Samantala, tila alam naman ni Cherie na maraming artista, lalo na ang mga baguhan, ang intimidated sa kanya.

Bagay na hindi naman ikinababahala ni Cherie dahil, aniya, “I have been intimidated by many and from them I have learned.

“I was growing up with the Charito Solises, the Ishmael Bernals, the Lino Brockas.

“Come on, tell me they're not intimidating.

“It was because of that strength in their presence and their character that I think I have come to learn so much more of what it takes to step up to the plate and claim your rightful place by saying, 'I know I can do this as well.'”

Nakatulong din daw ang relasyon niya sa dating asawang si Rony Rogoff, na isang international violinist.

Ani Cherie, “Being married to Roni Rogoff for 21 years, I've also been exposed to different people in the world.

“I was very intimidated, but this exposure to his market--prime ministers, diplomats--this was his audience… I mean, I couldn't be just a little probinsyana sitting in the corner.

“I had to also learn to grow and be able to apply myself in the presence of these [people].

“So, why not and why can't be

“I am seeing already so many Filipinos all over the world who have been stepping up to the plate and blooming, so I have hope.”