Celebrity Life

Lawyer-beauty queen Bea Patricia Magtanong, sumama ang pakiramdam ilang oras bago ang bar exams

By Aedrianne Acar

Umamin ang newest Binibining Pilipinas International na si Bea Patricia Magtanong na tinamaan siya ng matinding pressure ilang oras bago siya sumabak sa 2018 bar examinations.

Bea Patricia Magtanong

WATCH: Bea Patricia Magtanong, beauty queen na, abogada pa!

Ang proud graduate ng UP College of Law ay nagbahagi ng kanyang experience sa bar examinations sa mga post niya via Instagram Story.

Kuwento ng beauty queen, dala ng kaba ay sumama ang pakiramdam niya. Hindi rin nakatulong na dalawang oras lang ang kanyang tulog bago mag-exam.

Ngayong katatapos lang ng oath-taking niya bilang lawyer, nagbahagi din si Atty. Magtanong ng ilang tips para sa pagre-review sa bar exams.

Binigyan diin ng dalaga na importante ang 'eight hours of sleep' para maging productive habang nag-aaral.

“I always prioritize sleep! When I'm puyat I'm not 100% and I'm not as productive. It's important to rest your mind too because bar reviews is exhausting!!”

Ayon din sa Bataan beauty queen na maganda rin magkaroon ng short break matapos ang mahabang oras sa pagre-review.

“I usually start 8:30 am until 7 or 8PM, then after that I do something fun like see my friends, go to dinner, watch a movie, go to the gym, but I make sure I'm asleep by 11 or midnight so I can wake up early!”