Sino ang mga lalaking naging bahagi ng buhay ni Jennylyn Mercado mapa-showbiz man o sa totoong buhay?
Kasunod ng kanilang pagkapanalo bilang unang Ultimate Survivors ng 'StarStruck' ay ang matagumpay na love team nina Jennylyn at Mark Herras. Naging magkarelasyon din ang dalawa sa totoong buhay. Dalawang taon lang tumagal ang kanilang relasyon ngunit nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon.
Naging leading man ni Jennylyn ang kapwa 'StarStruck' alumni na si Paulo Avelino sa pelikulang 'The Bride and the Lover.'
Si John Lloyd Cruz ay nakatrabaho ni Jennylyn bilang kanyang leading man sa romantic comedy-drama na 'Just the 3 of Us.'
Dalawang beses na nakatambal ni Jennylyn si Raymart Santiago sa telebisyon. Una niyang nakatrabaho ang aktor sa 'Futbolilits,' habang nagkasama silang muli sa 'Second Chances.'
Nadikit man ang kanyang pangalan kay Bong Revilla, nanatiling professional lamang ang relationship ni Jennylyn Mercado sa aktor. Nakasama niya si Bong sa historical drama at epic series na 'Indio' at sa pelikulang 'Resiklo.'
Ayon sa isang interview kay Jennylyn, si Derek Ramsay daw ang pinakapaborito niyang leading man. Sila ay nagtambal sa pelikulang 'English Only, Please' kung saan pareho nilang napanalunan ang Best Actress at Best Actor awards mula sa Metro Manila Film Festival. Naging magkapareha ulit sila sa 'All of You.'
Taong 2007 hanggang 2008 naging magkarelasyon sina Jennylyn at Patrick Garcia. Naging maiksi man ang kanilang pagsasama, nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan. Si Patrick ang ama ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.
Jericho Rosales was Jennlyn's leading man in the Metro Manila Film Festival entry, 'Walang Forever.'
Na-in love si Jennylyn kay Sam Milby sa romantic comedy film na 'The Prenup.'
Isa pang hunk ang naging leading man ni Jennylyn. Nakapareha ng aktres si Rafael Rosell sa Kapuso drama na 'Second Chances.'
Jennylyn dated actor-host Andrei Felix for about two years after breaking up with Patrick Garcia.
Halos dalawang taon din na naging nobyno ni Jennylyn si Luis Manzano. Hindi tulad ng iba niyang ex-boyfriends, hindi nagkaayos sina Jennylyn at Luis matapos maghiwalay.
Marami ang naantig sa pagganap nina Jennylyn at Tom Rodriguez sa Lenten special na handog ng APT Entertainment tungkol sa isang mag-asawang sinubok ng isang malubhang karamdaman. Muling nagtambal ang dalawa sa Kapuso drama thriller series na 'The Cure.'
Gil Cuerva played Jennylyn's love interest as Matteo Domingo in GMA's adaptation of the Korean series 'My Love From the Star.'
Makaraan ang hiwalayan noong 2011, tila love is sweeter the second time around para kina Jennylyn at Dennis Trillo. Bago naging maugong ang kanilang pagbabalikan ay nagkatambal din silang muli sa telebisyon sa programang 'My Faithful Husband.'
Jennylyn has reunited with her biological father Noli Pineda in 2017, and the two have maintained a good relationship since, bonding over the things they enjoy in common like music and photography
Alex Jazz, Jennylyn Mercado's son with ex-beau Patrick Garcia, definitely holds the top spot in Jennylyn Mercado's heart.