Celebrity Life

WATCH: Kris Bernal reunites with fellow 'StarStruck' graduates in latest vlog

By Cara Emmeline Garcia

Bumisita si StarStruck alum Kris Bernal sa Studio 7 ng GMA para magbigay ng maliit tour ng set ng hit Kapuso reality artista search.

Tila napa-reminisce si Kris nang maalala niya ang taong sumabak siya sa reality series.

Aniya, “Okay, bibigyan ko lang kayo ng background. Galing ako sa StarStruck Season 4: The Next Level.

“Nakasama ko diyan sina Aljur Abrenica, Jewel Mische, at nanalo akong ultimate love team with Martin Escudero.

“Noong 2007 pa 'yun guys, ang tanda ko na! Mga twelve years na po iyon so talagang senior na senior na po ako.”

Pagkatapos niyang magbigay ng tour at nakapag-makeup, nakasama naman niya ang ilang StarStruck alumni tulad nina Katrina Halili, Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Jennylyn Mercado.

Backstage, natanong niya si Katrina kung ano'ng advice ang maibabahagi nito sa aspiring actors at actresses.

Ayon kay Katrina, “Para sa akin, be professional at love your work, 'yun lang.

“'Di ba kasi pag love mo 'yung work mo, lahat gagawin mo.”

Panoorin ang buong vlog ni Kris Bernal:

WATCH: Kris Bernal, gustong maging versatile actor ang 'StarStruck' hopeful na si Allen Ansay

WATCH: Kris Bernal, nakaeksena ang 'StarStruck' Artista Hopefuls sa suspense artista test