Celebrity Life

Rocco Nacino stays motivated for his house project; refuses to live in with GF Melissa Gohing

By Jansen Ramos

Todo-kayod si Rocco Nacino para sa ipinagagawa niyang dream house sa Antipolo, Rizal.

Rocco Nacino

Malapit na itong matapos kaya excited na ang Kapuso actor na lumipat sa kanyang forever home.

Sa isang Instagram post noong Huwebes, September 5, ipinakita ni Rocco ang kanyang "favorite part of the house."

Sulat niya sa caption, "Stairs leading to the master's bedroom. Love how all this white around me provides a certain calmness as I go up the stairs."

Dugtong pa niya, "Hataw pa Rocco!! Matatapos mo rin ito."


Aming nakakwentuhan si Rocco kahapon, September 5, sa briefing ng kanilang upcoming show sa Dubai, at malugod itong nagbigay ng karagdagang update sa kanyang house project.

"Nasa finishing stage na rin kami at nagre-ready na 'ko maglagay ng appliances."

Bahagi pa ng 32-year-old actor, "Ito 'yung masasabi kong adulting na talaga, so hinahanda ko na 'yung paglipat doon, excited na po ako sa totoo lang."

Ngayong may sarili ng bahay si Rocco, nilinaw niya na hindi sila magli-live in ng kanyang volleyball player girlfriend na si Melissa Gohing hangga't hindi pa sila ikinakasal.

Paliwanag niya, "Very traditional ang families namin parehas so if ever, kailangan kasal muna bago ang lahat.

"Gusto kong irespeto at dumaan rin sa proseso."

Sa ngayon ay ine-enjoy muna ni Rocco ang kanyang pagiging bachelor lalo na at ang puspusan ang kanyang training at taping para sa Descendants of the Sun.

LOOK: Rocco Nacino introduces his character in Pinoy adaptation of 'Descendants of the Sun'

Gayunpaman, sinusigurado niya na sa kasalan din naman ang punta ng kanilang relasyon ni Melissa.

Ika niya, "Maganda ang takbo ng relationship namin so malamang do'n din ang punta namin but definitely not yet now.

"Sabi ko rin gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin, pati rin siya para pagdating sa stage na 'yun, no regrets."

Samantala, may advice si Rocco sa mga nagpapatayo o nagbabalak magpatayo ng bahay.

Sabi niya, "Importante 'yung mag-set aside para sa future at magkaroon ng emergency funds para kapag wala akong work, magagamit ko, hindi matetengga 'yung paggawa ng bahay ko.

"At ang pagbili ng gamit ay 'wag pabigla-bigla.

"Only buy something na alam mong kaya mong ma-afford or may pera ka."

Diin pa ni Rocco, "Hindi kami fans ng installment or utang or loan.

"Never pa po ako nag-loan, so do'n nalalaman ko na gusto ko 'to pero 'di ko pala kaya 'tsaka ko na bibilhin.

"'Yung iba kasi walang discipline sa ganiyan lalo kapag may sale, hindi pala natin kailangan.

LOOK: First photos of Rocco Nacino's dream house

LOOK: Celebs and their new residential homes