
Busy sina Jak Roberto at Sanya Lopez sa pagpaplano at paghahanda para sa kanilang dream homes.
WATCH: Jak Roberto and Sanya Lopez go house hunting in their latest vlog
Sa exclusive interview naman ng GMANetwork.com sa girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza, aming inalam mula kay Barbie kung pinapakailaman ba niya si Jak sa pagpili nito ng bagong bahay.
Ayon kay Barbie, "Basta sabi ko lang sa kanya, dapat may walk-in closet ako! The rest, bahala na siya."
Hindi rin naman daw na-pe-pressure si Barbie na tumulad sa mga kapwa niya artista na isa-isa nang nakakapagpundar ng kani-kanilang bahay. Kung mag-i-invest man daw siya sa bagong bahay, ito ay para sa kanyang mga magulang at hindi para sa kanya.
Dagdag pa ni Barbie na ang future home daw ni Jak ay para na rin sa kanilang dalawa.
"Well, sa ngayon kasi, ang napag-iisipan namin, kung bibili man ako ng bahay, for my parents [na]. Pero 'yung tinitingnan na bahay ni Jak for the future na namin together."
Ano naman kaya ang pinaplano nina Barbie sa darating na kaarawan ni Jak this December?
"This coming first week of December, lipad kaming Hokkaido ni Jak kasi birthday niya 'eh. Ang sarap kasi sa Japan pero doon kami sa malamig na area."
WATCH: Barbie Forteza cries at Jak Roberto's prank and turns the tables on him
EXCLUSIVE: Barbie Forteza, hanga sa improvement ni Kate Valdez sa pag-arte