Celebrity Life

Dingdong Dantes, hinimok ang kabataan na mag-donate ng tulong para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption

By Jansen Ramos

Naglunsad ng "call for donations" para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal ang Yes Pinoy Foundation sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes

Base sa kanyang Instagram post noong Martes, January 14, hinimok niya ang kabataan na magpa-abot ng tulong para sa evacuees. "Tara, tulong tayo," wika ng Descendants of the Sun actor sa caption.

Maaaring mag-donate sa Yes Pinoy Foundation ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng canned goods, bigas, bottled water, face masks, thermal blankets, sabon, at shampoo.

Tumatanggap din ang organisasyon ng cash and check donations na maaaring ipadala sa kanilang bank account.

Ibinahagi ni Dingdong na target nilang makapagdala ng "1,000 relief packs" sa mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad sa tulong ng Civil Military Operations Group ng Philippine Navy at ng Philippine Red Cross.

Tatanggap ang Yes Pinoy Foundation ng mga donasyon hanggang bukas, January 16, 5 p.m.

LOOK: Dingdong Dantes and other celebrities spread awareness about Taal Volcano eruption