Celebrity Life

WATCH: Herlene 'Sexy Hipon' Budol, pangarap pa ring makapagtapos sa pag-aaral sa kabila ng kasikatan

By Cherry Sun

Patuloy pa ring nangangarap si 'Sexy Hipon' o Herlene Budol sa tunay na buhay. Sa kabila kasi ng kanyang kasikatan dahil sa Wowowin at paglabas sa ibang Kapuso shows, nais pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Binalikan ni Nelson Canlas sa kanyang ulat sa 24 Oras ang humble beginnings ni Herlene.

IN PHOTOS: Kilalanin ang Wowowin 'Sexy Hipon' na si Herlene Budol

“Raketera ako ng taon. Hindi lang pagwe-waitress 'yun. Nagba-brand ambassadress [ako],” pagbalik-tanaw ni 'Sexy Hipon.'

Aminado rin si Herlene na dati ay nasaktan siya sa bansag sa kanya ngunit ngayon ay nagpapasalamat na siya dahil dito.

WATCH: Kagandahan ni 'Sexy Hipon' Herlene, nauuso na

Wika niya, “'Yung 'Hipon' na 'yan, siya 'yung nagbigay sa akin ng mga pangarap ko na hindi ko nararanasan dati.”

Masaya rin si Herlene na dahil dito ay nakakuha siya ng magagandang pagkakataon para masuportahan na pati ang lolo at lola niya na nagpalaki sa kanya.

“Opo, nasusuportahan ko na po. Dati nag-aaway-away pa kami sa pera eh. 'O, sino magbabayad ng ganito? Sino magbabayad ng ganyan?' 'Tsaka dati 'yung washing machine namin, mas matanda pa daw sa akin 'yun. Grabe 'yung tunog niya. Ngayon nakabili na ako ng washing machine,” dugtong nito.

Matapos maging bahagi ng Wowowin, lumabas na rin sa iba't-ibang Kapuso shows si 'Sexy Hipon.' Kabilang dito ang Madrasta, One of the Baes, Magpakailanman, at Daddy's Gurl.

LOOK: 'Sexy Hipon' Herlene Budol meets her idol, Maine Mendoza

Hindi lang siya laman ng telebisyon, madalas ay trending at viral din ang kanyang TV appearances. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, sinisikap pa rin daw niyang pagsabayin ang pag-a-artista at pag-aaral.

Paliwanag ni Herlene, “Kailangan po talaga kasi hindi naman po panghabambuhay tayong nasa showbiz. Kaya kailangan po meron. Ayun po 'yung number one kayamanan ng bawat kabataan ngayon."

Panoorin: