Celebrity Life

Frankie Pangilinan, hirap magsalita ng Ingles?

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Frankie Pangilinan ang kanyang struggle sa pagsasalita ng Ingles sa ibang bansa.

Kasalukuyang nasa New York ngayon si Frankie para sa kanyang pag-aaral.

Ayon sa post ni Frankie sa kanyang Twitter account, "I can't converse in English without an accent + a handful of Filipino words but I can't converse in filipino without getting self-conscious and kabado paano pa ako mamumuhay"


Ilan sa kanyang mga followers ay nagbigay ng payo sa anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.

Kuwento nila ay hindi naman mapanghusga ang mga tao sa New York pagdating sa accent. May ilan ring nagsabi na kailangan lang niyang mag-practice.


Nilinaw ni Frankie na wala siyang problema sa pagsasalita ng Tagalog. Gusto lamang umano niyang ibahagi na nahihirapan siyang tanggalin ang kanyang accent at pati na rin sa paghalo ng Tagalog na salita kapag nakikipag-usap siya sa New York. Nais niya lamang umanong magkaroon ng improvement.

Humingi naman ng tawad si Frankie kung nahihiya siyang magTagalog dahil sa takot umano niyang magkamali. Nangako naman siyang sasanayin ang sarili rito.


Sharon Cuneta shares intimate conversation with daughter Frankie Pangilinan

Frankie Pangilinan reacts to Duterte's comments on her dad Kiko Pangilinan