Celebrity Life

LOOK: Ellen Adarna posts cryptic quote on Instagram

By Cara Emmeline Garcia

“Don't me.”

'Yan ang isinulat ni sexy star Ellen Adarna habang naka-tag ang dalawa niyang non-showbiz friends sa isang Instagram post kahapon, February 11.

Maliban sa patamang mensahe ay may kasama ring isang quote na nakasulat ay, “Stop testing the new me like the old me ain't still in me.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang kanyang pinariringgan sa social media.

Mahigit isang buwan na pagkatapos magbalik sa Instagram si Ellen Adarna.

Para salubungin ang Bagong Taon, nag-post si Ellen noong January 3 ng isang video niya habang nag-skiing sa Switzerland.

LOOK: Ellen Adarna breaks Instagram hiatus

Maalalang nag-hiatus ang controversial actress sa showbiz at social media nang masapubliko ang relasyon niya at ng aktor na si John Lloyd Cruz. Noong 2018, sinalubong naman nila ang kanilang anak na si Elias Modesto.

Noong 2019, bali-balita sa social media na hiwalay na raw ang dalawa.

New man?

Ngayong unti-unti nang nagbabalik si Ellen sa publiko, maaring nagbabalik na rin siya sa dating scene.

Ilang netizens ang nakapansin sa closeness ni Ellen at ng isang foreigner na si Carlos Lemus sa social media habang nagbabakasyon sa Spain.

Hanggang ngayon ay 'di pa rin kinukumpirma ng aktres ang status nilang dalawa.

Noong Pebrero 3, namataan sa 'Pinas ang sexy star habang pinapanood ang concert ng US band na LANY sa SM Seaside Cebu.

LOOK: Is this the new guy Ellen Adarna is dating?