Celebrity Life

Vico Sotto's yearbook quote patok sa netizens

By Cara Emmeline Garcia

Patok sa netizens ang kumakalat na yearbook quote ni Pasig City Mayor Vico Sotto online.

Sa nasabing post ni Beatrice Marie Achacoso, makikita ang litrato ng young incumbent mayor ng Pasig City noong nag-aaral pa lamang siya sa Ateneo de Manila University.

Sa itaas, makikita ang nakasulat na “Vico Sotto does not believe in write-ups.”

As of writing, umabot na sa mahigit 2K likes ang post and 1K shares sa social media site na Facebook.

Nagtapos si Vico Sotto ng Political Science degree sa Ateneo de Manila University noong 2011. Kumuha rin siya ng postgraduate degree sa Ateneo School of Government kung saan nagtapos siya noong 2018.

Bukod sa post na ito, trending din ang fan-made video ni Vico Sotto na sumasayaw sa kantang “Psycho” ng Korean girl group na Red Velvet.

Maliban diyan nagkaroon din ng malaking fan base ang batang mayor dahil sa itinataguyod nitong mga proyekto sa Pasig City.

LOOK: Vico Sotto tweets and memes na kumakalat online

#ProtectVico, top trending sa Twitter