Celebrity Life

Martin del Rosario, pinasalamatan ang fans niya sa Ecuador

By Aedrianne Acar

Matapos ipalabas ang adbokaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka noong 2018, gumagawa naman ng ingay ang naturang soap sa Latin American country na Ecuador.

Ibinahagi kasi ng isa sa mga cast nito na si Martin del Rosario na nakatanggap siya ng mensahe mula sa ilang fans sa naturang bansa.

Gumanap ang Kapuso actor bilang si Lawrence sa soap, samantala ang lead actress naman ng groundbreaking series ay si Yasmien Kurdi na binigyan buhay ang karakter na si Thea.


Isa si Martin sa mga GMA Artist Center talents na napatunayan na ang husay sa pag-arte. Matatandaang nanalo siya ng Best Supporting Actor award sa 2015 Gawad Urian Awards at inuwi naman niya ang Best Actor Award sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. para sa kanyang pagganap sa "The Panti Sisters."

Celebrities laud Martin Del Rosario for his big win at Pista ng Pelikulang Pilipino 2019