Celebrity Life

Bruce Roeland, nanghingi ng love advice kay Kelvin Miranda?

By Aaron Brennt Eusebio

Seryosong nagbigay ng love advice ang aktor na si Kelvin Miranda sa kapwa niya GMA talent na si Bruce Roeland dahil hindi niya alam na isa itong prank call.

LOOK: Meet Kelvin Miranda, the young Kapuso actor that we fell in love with on 'Dead Kids'

Sa vlog na ini-upload ni Bruce, ikinuwento niya kung paano siya umamin kay Prima Donnas actress Althea Ablan na crush niya ito.

Kuwento ni Bruce kay Kelvin, “Kanina kasi may ginawa ako e, inamin ko sa kanya na crush ko siya.

“Pero 'yung nangyari e ni-reject ako e. Si Althea.”

Seryosong seryoso naman na binigyan ng love advice ni Kelvin si Bruce at sinabi na huwag niyang susukuan si Althea.

“Bro, pagna-reject ka, try mo ulit. Parang ano lang 'yan, magre-retake ka ng exam hanggang sa pumasa ka, ganun lang 'yan, kung gusto mo talaga,” advice ni Kelvin.

Paliwanag ni Bruce, hindi siya gusto ni Althea dahil may iba na itong crush.

Payo naman ni Kelvin, “Ano ka ba, bro. Hindi 'yun 'yung basehan noon. Kung gusto mo talaga, gagawan mo ng paraan.

“'Di ba kapag gusto mo 'yung isang bagay, gagawin mo 'yung lahat para makuha mo? Ganun din 'yun.

“Baka ano lang 'yan, sinusubukan ka lang.”

Dagdag pa ni Kelvin, dapat hindi sumuko si Bruce dahil lang sa isang rejection.

“Wala 'yan men. Bakit nasindak ka na sa isang beses na rejection?” seryosong tanong ni Kelvin habang pinipigilan ni Bruce tumawa.

“'Wag mong agad damdamin 'yung rejection. Malay mo, tina-try ka lang.”

Seryoso pa rin si Kelvin sa kanyang pagbibigay ng advice hanggang sa aminin ni Bruce na pina-prank niya lang ito.

Panoorin ang nakakatuwang prank call ni Bruce kay Kelvin at iba pang Kapuso stars:

IN PHOTOS: Meet Kapuso tween star, Bruce Roeland