Celebrity Life

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, hindi pinipilit ang sarili na maging productive ngayong ECQ

By Marah Ruiz

Wala raw naka set na routine si Kapuso actress Janine Gutierrez na namamalaging mag-isa sa kanyang condo unit habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Iba-iba raw ang ginagawa niya araw-araw, depende sa kanyang mood.

"It depends talaga on what I have to do or what I feel like doing that day. Hindi ko kasi ma-pressure 'yung sarili ko to have a specific routine everyday," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Isa raw ito sa mga paraan ng pangangalaga niya ng kanyang mental health.

"May days na sobrang pumped up ako, I feel so productive, tapos may days naman na I'm kinda sad. I learned na you also don't have to be too hard on yourself with the illusion na kailangan mong maging sobrang productive," pagpapatuloy niya.

Pinapanatili pa rin naman niyang busy ang sarili sa mga gawaing-bahay at pakikipag-usap sa kanyang pamilya at kaibigan.

"It's different everyday pero for sure I do a lot of chores. Dishes, laundry, linis-bahay, so everyday is different for me. Mayroon akong laundry day, mayroon akong linis day. I also talk to my family and my friends a lot. I watch a lot of Netflix," kuwento niya.

Panoorin ang buong panayam ni Janine dito:


Samantala, inilunsad ni Janine ang The Bright Side Project, ng isang COVID-19 fundraising project kasama ang kanyang mga kapatid.