Celebrity Life

Rochelle Pangilinan, mas espesyal ang kaarawan ngayong 2020

By Aedrianne Acar

Mas marami raw dapat ipagpasalamat ang former Encantadia star na si Rochelle Pangilinan, na nagdiriwang ng kanyang birthday ngayong Sabado, May 23.

Rochelle Pangilinan has given birth to a baby girl!

Sa isang mahabang Instagram post, ibinahagi ng dating leader ng SexBomb Girls kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan.

Saad ni Rochelle, "Taon taon kapag birthday ko, lagi kaming may small gatherings o 'di kaya ay magdinner sa labas kasama ang pamilya at mga kaibigan.. ngayon ay kakaiba nga.

"Ang sabi ko kahapon ay itutulog ko na lang.. pero simula ng inasalto ng aking mga kaibigan ang aking kaarawan, dahil sa pasurprise ng aking asawa, dun ako ginanahan, nagluto ako.. ako na din nagbake ng sarili kong cake."

Ramdam daw ng actress-dancer ang pagmamahal ng maraming tao na bumati sa kanya on her special day.

Aniya, "Anu pa bang kakaiba ngayon.. anung meron ako ngayon na wala ako nuon... naisip ko na lang na napakadami kong dapat ipagpasalamat,napakadaming blessings!

"Mas konting kaibigan ,pero mas totoo sa kin ngayon. Mga dating nakaalitan ngayon ay may mas masayang samahan.

"Mas maraming bumati sa kin ngayon ng Maligayang kaarawan.

"Mas naramadaman ko ang pagmamahal nyo sa kin. Maraming salamat!"

Apektado man ng COVID-19 ang kanyang trabaho bilang isang artista, ipinagpapasalamat niya na healthy siya at kanyang mga mahal sa buhay.

Dagdag ni Rochelle na looking forward na siya sa mga darating na araw.

"Wala man kaming trabaho ngayon, pero mas naramdaman ko ang pagbati ng mga nakatrabaho ko, sa simpleng mensahe nyo sakin, nakakataba ng puso.(cliche yan pero totoo)

"Mas malalim ang samahan nang pamilya, mas na appreciate ang maliliit na bagay.

"Higit sa lahat malusog ang aking pangangatawan ganun na din ang mga mahal ko sa buhay. Anu kayang naghihitay sa kin sa mga susunod na taon. Excited na ko!

"May Shiloh pa kaming magasawa ngayong kaarawan ko."

Sunud-sunod ang pagbati kay Rochelle ng mga katrabaho niya sa showbiz tulad nina Max Collins, Manilyn Reynes, at Rodjun Cruz.

Ikinasal si Rochelle kay Pepito Manaloto star Arthur Solinap taong 2017 at ipinganak niya si Baby Shiloh noong February 2019.