Celebrity Life

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, nananatiling maingat sa gitna ng COVID-19 crisis

By Maine Aquino

Safe na safe ngayon sa kanilang bahay sa Davao de Oro ang Kapuso celebrity chef na si Chef Boy Logro.

Sa exclusive na mensahe na ipinadala ni Chef Boy sa GMANetwork.com, ibinahagi niyang maayos ang lagay ng kanilang pamilya ngayong may COVID-19 crisis.

"Dito po sa barangay ko sa Davao de Oro po ay maayos naman po ang sitwasyon. Wala naman pong problema."

Bilang pag-iingat, nananatili lamang umano ngayon sa bahay ang kanilang pamilya.

FB: Pablo Boy Logro

Saad ng Idol sa Kusina host, "Stay at home lang po ako at ang pamilya ko. At palaging naka-mask"

Dahil nahinto muna siya sa pagluluto sa Idol sa Kusina, inamin ni Chef Boy ang kanyang pagka-miss sa kanilang programa.

"Nakaka-miss at nakakapanghina kasi hinahanap ng katawan ko ang palaging busy sa pagluluto.

Mapapanood pa rin sina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza sa Idol sa Kusina tuwing Linggo, 6:55 p.m. sa GMA News TV.