Celebrity Life

GMA News pillar Arnold Clavio, may mensahe sa mga 'Unang Hirit' daddies

By Aedrianne Acar

Ilang araw bago ang Araw ng mga Tatay sa Linggo, June 21, bumati na ng advance Happy Father's Day ang GMA News pillar na si Arnold Clavio sa mga katrabahao niya sa Unang Hirit na proud daddies din.

Sa Instagram post ni Igan, nagbigay pugay siya kina Ivan Mayrina at Mang Tani Cruz na ka-hirit niya tuwing umaga.

May paalala din ito sa mga Kapuso sa darating na weekend, ang ugaliin pa rin na mag-suot ng face mask.

Saad ni Arnold, “Happy Father's Day sa mga kasama kong humihirit tuwing umaga, @ivanmayrina at @mangtanicruz ... God bless.

"At tulad nang lagi naming paalala, it's a must to wear a mask!!! Happy weekend mga 'iGan!”

Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners

Kapuso, paano n'yo gugunitain ang Father's Day sa darating na Linggo?