Celebrity Life

Gloc-9, negosyante na rin!

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Gloc-9 ang bagong negosyo na kanyang pinagkakaabalahan.

Saad ng Filipino rapper, "'Pag ako yumaman sa manok!!!!"

Kuwento ni Gloc-9 ay nagpapasalamat siya sa mga patuloy na umo-order sa kanyang food business.

"Salamat po ng marami sa lahat ng umorder pwede pa kayong humabol at mag preorder starting Monday next week para sa deliveries ng Saturday & Sunday!!! ORDER NAAAA!!!"


Sa kanyang post, ilang araw lamang ang nakakaraan, ay nagpahayag siya ng isang statement.

"Kapag 'di ka kumilos batugan ka. Kapag kumilos ka naman naghihirap na!? Ay susme!!!"


Nilinaw rin ni Gloc-9 sa kanyang Facebook na walang masama sa pagbebenta ng online. Ito ay matapos na may magsabi sa kanyang hindi umano ito bagay sa kanyang image.

Sagot ng rapper, "Sabi ko sa kanya, 'Tol, wala namang masama siguro doon, di ba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag rap ay mag linis ng basurahan, kubeta at kanal?'"

Saad pa ni Gloc-9,mas importante ang pagtatrabaho nang marangal.

"Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! APIR!!!"

Si Gloc-9 or Aristotle Pollisco in real life is a non-practicing registered nurse.

Julie Anne San Jose and Gloc-9's "Bahaghari" featured in a music and video streaming site

OPM rap icon Gloc-9 opens up online composition workshop